Monday, October 4, 2010

RIVERMAYA - ALIVE AND KICKING AGAIN WITH "BUHAY"


Generations after generations of Rivermaya proved that the torch of their musical career is still burning blithely, no matter what, members may come and go. Time's letting them fill-in more richness and maturity to the well-being of their music. They're just more obstinate to the philosophy they hold-on to, to the musical idealism and creativity they do. And most of all, it's “life” again after series of unsteady moments experienced by the band. With the new line-up and a completed void, they're just back to life again making things anew.

Their latest full length album “Buhay” heralds Rivermaya's newly brewed musical brainchild. How they come-up with the theme, are handfuls of album titles laid and picked for the most relevant title. Mark started, “lahat kami nagbigay ng kanya-kanyang listahan ng mga album titles. And 'yun 'yung napili. Dahil tungkol s'ya sa buhay namin for the past few years. Minsan nagsusulat kami tungkol sa buhay ng ibang tao. Pero on this album more or less tungkol sa buhay namin, literally (smiles).” It's inevitably their life's experiences that became the lifeblood of the album. Inspired and reminiscent.

Delving more into the heart of the album is the 'newfound freedom' music could ever give, Mark again asserts, “yeah! In many ways, iba't-ibang klaseng freedom 'yung nangyari. Sa kung paano kami magta-trabaho, mag-sulat ng kanta, mag-communicate. At kung gaano kami naging ka open sa isa't-isa. Basically, malaking bagay 'yung communication and with everyone sa staffs, management namin, mga fans.”

Recording is never done any differently. Done with the same collaboration, instrumentation and slight differences. Mike speaks this time, “halos pareho lang 'yung recording process sa nandun kami sa the same studio, which is 'yung 'Birdhouse', studio ni Mark. Batuhan parin ng ideas, kanya-kanya parin, tulungan sa pag set-up ng gamit kung paano papatunugin ang alin. Kung may differences man sobrang minor na lang.” Mark adds up, “ngayon mas maraming nakapag-record sa kanya-kanyang bahay. Minsan nakatulong din 'yung internet, nagbabatuhan din kami ng tracks via e-mail or through technology. Mas napapabilis 'yung trabaho namin.”

Recognizing the logical connection of the songs towards their life is considerable. Mark said, “unang-una 'yung 'Sugal Ng Kapalaran' 'yung single namin. Malaking koneksyon s'ya sa buhay namin hindi lang sa amin pero sa maraming tao, na may the same experience. Tapos siguro 'yung 'Maskara' galing naman sa experiences ng ibang tao. Kapag may na encounter silang plastik na tao. Isa pa 'yung 'Nice To' na track #1 sa album.”

Jayson, the bands new member, seconded, “'yung “Hindi Ako Susuko”. Dahil 'yung character na nandun sa kanta kahit anong mangyari tuloy lang, sige lang ng sige.” Japs, the band's bassist, continued, “siguro 'yung 'Sugal Ng Kapalaran' na rin. Kasi n'ung time na sinulat 'yun actually time ng 'Bagong Liwanag (EP) eh.” Mike, the group's lead guitars, tells his side, “sa akin dalawa eh, 'yung dalawang ginawa ko, 'Pure' at saka 'A.M.' Dahil sinulat ko 'yan para sa dalawang special na tao. Gusto n'yo malaman kung sino?! Ah buy kayo ng album (laughs), nandun sa credits n'ung album.” Mark, the band's drummer butts in again, “para sa lahat ng taong tumulong sa amin last year na nakapawi ng pagod namin. Lahat from friends hanggang sa mga nakatrabaho namin sa 'Bagong Liwanag'. Sa mga kaibigan namin sa industriya, kayo (Pinoymag) at sa lahat ng kumbaga sinandalan namin last year.”

And the nearest to their plate of life is “Sugal Ng Kapalaran” which became their carrier single. Mike explained, “maraming nangyari, kakaiba 'yung k'wento n'ung kanta, angkop sa panahon, well ngayon hindi na. Pero n'ung time na nasulat 'yun, theme song ng buhay namin 'yun. S'yempre ang lead vocals d'yan si Japs at Jayson (he humors) so introducing in his daring role, Jayson Fernandez!”


ON THE RECORD

What made you guys decide that now is the time for a new Rivermaya record and get signed with Warner?
Japs: New Rivermaya record it’s about time. Bale five years na since our last full-length album namin eh.
Mike: (jokingly says) Bakit ba sino ang pumipigil?! (everyone laughs)
Japs: (Answering Mike's question) Wala naman, nagkaroon lang kami ng problema dati, dami nagyari actually. Way back before 2007 pa na alam na ng lahat ng tao. And ngayon lang nagka chance ulit. Eksakto nag sign na kami with Warner Music officially. So 'yun, it's a good time to do an album.

As for Jayson's voice, does he turn extra from any one of you guys or is it his own singing style or in between?
Mark: Iba-iba kami pero siguro si Jayson 'yung may pinakamaraming style sa pagkanta. Japs: S'ya 'yung pinaka totoong vocalist.
Mike: Magaling mang-style 'yan si Jayson (laughs)...sa pagkanta. Mark contineous: Kahit bata pa 'sya 'yung experience n'ya sa pagkanta ay mature na.
Japs: Kahit abta pa si Jayson 'yung experience n'ya...
Mark: Pang magasin (laughs)
Japs : Pang pin-up ba (laughs) ay pang magasin na po (smiles) (on a serious mode): Maririnig n'yo sa album, lahat kami kumanta d'yan pero may ibang songs si Jayson ang nag-lead vocals' yung iba hati-hati.

Did anyone of you guys teach him (Jayson) how to perform a particular song for the album?
Japs: Tinuruan namin s'yang matulog ng maaga, pagkatapos ng gig uwi na kaagad.
Mike: Tinuturuan namin s'ya magdala ng gitara kapag kailangan (laughs) (on serious mode) Turo lang namin sa kanya kung ano lang 'yung alam namin sa pag-record. Kasi 'yun 'yung bago sa kanya. Pero 'yung pagkanta kumbaga bata pa lang s'ya ginagawa na n'ya eh. So wala kaming matuturo sa kanya pagdating dun (smiles). Kami hindi naman talaga kami singers eh, di ba? Kami ay super singers hahaha...joke joke!

Were there any discussions on what single to be released?
Japs: Aah...meron. Mark: Kung ano 'yung options? He ask. 'Yung second single 'Maskara'
Japs: Hindi pa lumalabas ha...
Ayelski: Alam mo maganda 'yung 'Maskara' kasi ang daming plastik sa earth (laughs)
Mark: Marami talaga.
Japs: So hindi lang isa (laughs)
Mark: Ate Flor giggles at the background

About the single 'Maskara' what inspires you to write that song?
Mark: Ano lang 'yun, based on second hand information.
Mike: Hindi kasi dalawa 'yung kamay n'ya, so 'yung second hand n'ya 'yung naka experience (laughs)
Mark: Hindi s'ya seryosong kanta, k'welang kanta 'yan. Abangan n'yo rin 'yung video directed by R.A. Rivera din same n'ung sa 'Sugal Ng Kapalaran' video. Ngayon lang nagkaroon ng ganyan kakulit na video ang 'Maya' . Makulit na kanta tungkol sa mga tao na hindi natin maiwasan. May mga ganun talaga, pero sanay na tayo d'yan.
Mike: Wala namang anyone in particular. Ika nga ni Mark 'Ito'y isang public service announcement lamang, be warned! (laughs)
Mark: Ang chorus n'yan: 'Ngayon mag-ingat sa tao na may maskara'. Japs: So mga modus operandi din 'yan eh, di ba?

How did you pick out the songs that will be included in the album?
Japs: Galit ka ata ah?! (smiles) on me when I've read the question for the group.
Mike: Ang nangyari d'yan ah... (thinkin). Hindi kami pumili, sinama lang namin lahat. Actually, hindi lahat kasi may mga iba na nahuli i-record, 'yun 'yung hindi naisama kasi nakasulat kami for the new album na mga 21 songs. Kaya lang hindi pa namin nare-record 'yung iba. So kung ano 'yung na record na namin sinama na namin lahat. Supposedly, ang lalabas lang 12 to 15 songs eh 16 'yung nagawa namin. Ang lapit na n'un sa 15 di ba? Pinakiusap na namin, isama na natin, so 'yun. Kaya naging 16 songs s'ya sa album.

Is it surprising to you guys that your band has begun to resonate with a much younger audience this time?
Japs: Tingin ko kasi in general bumata rin talaga 'yung crowd eh. Wala rin ata sa banda 'yun eh. Every year naman, pa bata ng pa bata. Kasi s'yempre kapag tumanda ka na, wala ka ng time pumunta sa mga gig.
Mike: At saka actuallyfor the past few years tuwing gig namin may mga nakikilala kaming mga bagong fans na bata talaga. As in 'yung iba ten years old lang, iba mas bata pa nga eh. Japs: Kumbaga 'yung mga dating nanonood sa amin mga magulang. Ngayon 'yung mga anak naman nila. Na impluwens'yahan sila ng magulang nila, parang ganun.
Mike: Siguro bumata lang 'yung banda. Kasi 'yung mga nakikinig talaga ng OPM, karamihan sa kanila bata eh.

What are some great ideas that haven't seen the light of day?
Japs: Wala pa eh, di pa n'ya nakikita 'yung light of day eh!
Mike: Dapat may nude photos si Japs (smiles) Japs: Hindi, great ideas Mike!
Mike: Ah great, great ba? Sorry sorry.
Ayelski: Great ideas nga eh. Ay si Mark na nga lang, hindi ka seryosong kausap.
Mike: (on the background whispering) Hahaha tinataboy na ako ni Ayelski
Mark: Siguro may mga ibang kanta lang talaga na hindi umabot.
Mike: At saka kung may great ideas kami na hindi pa lumalabas, hindi muna namin sasabihin. Baka unahan pa kami eh (laughs)
#16 Mark: He's single and available!
Ayelski: Changes po (smiles)
Mike: Hahaha para lang masingit noh! (thinkin)...Hindi ano bang changes? Now na nandito na si Jayson ano na kami full time na ulit kami sa mga gigs.
Mike: Changes? Bawal kami mag mura sa harap ng mga bata eh.
Mike: Wala eh parang adjustments hindi namin nararamdaman. Meron sigurado pero kasi parang sumaya lang kami ngayon lalo. So kulitan ng kulitan, nakikita n'yo naman kanina di ba? (laughs).

For Jayson, how many songs did you write on the album? Tell us something about your songs? What about Japs, Mark and Mike?
Jayson: Meron lang akong mga kinanta sa album na sinulat ni Japs , Mike at saka
Mark. Kasi n'ung 'Bagong Liwanag' palang nire-record na nila 'yung mga ibang kanta.
Mark: 'Yung mga songs n'ya hindi na umabot dito sa album. Pero part na s'ya n'ung songwriting n'ung sa third tracks sa album na 'Ligawan Stage'. Kasama s'ya d'yan sa proseso nung song na 'yan. (pointing the particular tracks on my list).
Mike: At saka actually, nagparinig si Jayson sa amin ng mga sinulat n'ya. Ako sure ako nakarinig ako ng isa pa, aside dun sa narinig n'yo sa TV show noon (audition of Bagong Liwanag) at maganda. Nagipit lang talaga kami sa oras. 'Yun lang talaga 'yung nagyari. 'Di na nahabol, isa 'yun sa 21 songs na sinasabi ko. So 'yun...next album na lang ulit.

Anything you'd like to add about the album?
Ayelski: Ikaw na Mark, normal kang kausap eh (laughs)
Mark: Ngayon lang 'yan hehehe...On this album na showcase 'yung iba't-ibang kaalaman namin aside from 'yung usual na ginagawa namin. Kagaya ni Japs nag vocals na s'ya ngayon simula nung sa EP namin. S'yempre sa pagkanta kahit sa videos namin eh mapapansin nila iba-iba 'yung makikita nilang kumakanta. Sa 'Maskara' ganun din.

How many songs did you sing on the album?
Mark: 'Yung sa 'Closer', 'Nice To', 'Maskara' and 'Restless'. 'Yung 'Sleep' ako nagsulat pero si Jayson 'yung nag vocals d'yan.

What are your objectives when writing song especially on this new album 'Buhay'?
Mark: Makasulat ng kanta na masarap din tugtugin sa mga gig. S'yempre parang k'wento ko rin lang 'yung mga 'yan. Sana magustuhan n'ung mga makikinig. Makita nila na lahat kami nagsulat even before naman eh. Lalo na ngayon mapapansin nila, naging malaya kaming maglabas ng ideas ngayon.
Mike:Ako kasi kapag nagsusulat ako usually hindi ko naman iniisip kung sino 'yung makikinig except ako. Gusto ko kasi 'yung song ko 'yung ako mismo 'yung mag-e-enjoy makinig. Na hopefully magustuhan din ng ibang tao, pero s'yempre as a songwriter, as a musician di ba meron tayong kanya-kanyang influences na pinapakinggan gusto ko ganun din. Kasi bakit naman ako susulat ng kanta na hindi ko nman gusto di ba? (smiles)
Japs: Objective kong matapos 'yung kanta, 'yun lang (smiles). Kasi kung hindi ko matapos di corrupt. Mabilis kasi ako magsawa sa ginagawa ko eh. Gusto ko kapag may sinimulan akong gawin dapat matapos ko s'ya nung araw na din 'yun.
Jayson: Ako? Basta ano lang maganda sa pandinig ng ibang tao 'yung gagawin kong kanta, 'yun 'yung importante.

Usually what are the themes of the songs you write?
Mike: Iba-iba eh. Parang 'yung title ng album namin 'Buhay'. Pero usually from my personal experiences ko talaga. Hindi second hand, usually ha (laughs) pahabol eh!
What inspires you to write song?
Japs: Usually, classic 'yung mga experience. 'Yun nga 'Buhay' kasi kung mas maraming mangyayari sa'yo mas marami kang masusulat. Pero kahit walang nagngyari sa'yo, p'wede kang mag k'wento n'ung susulatin mo.

Does it influence your sound or your songwriting when you're listening to a particular artist or album?
Japs: As much as possible ayoko makinig ng madaming kanta. Unless meron kang parang gustong mala ganitong kanta, may papakinggan akong artist na feeling ko 'yun 'yung may pinakamagandang peg or something. Kasi kapag makinig ka ng iba-iba maghahalo-halo na s'ya dun..kaya 'yun.

How can you say that people would like your song?
Jayson: Ipaparinig ko. Tipong okey ba 'to or hindi? Kapag hindi gawa lang ng gawa. Basta gusto ko maganda 'yung meaning ng song. 'Yun 'yung objective ko (smiles).


♫♫♫

No comments:

Post a Comment