1017 isn't suggesting an I.D. number, mobile brand or any ordinal numbers. This number as we see it, defines the newly sung music icon all the way from the fertile valley of Davao. Davao Central College was the academic point of departure of this group. Novelty songs, silly antics and pranks give funny comic relief to their listeners. Making their own things since 1998, make its own way to the Philippine music broad ways. Now jingling their own themes, laughing out loud and speaking their heart's contents on the record, it seems 1017 just got a newly culled-out proclamation of the State of Emergency.
It's more elaborate hearing from them the way they did it since the group's blueprint was wrought. Jamjam, the groups lead vocals and speaker proclaims, “banda kami dati noong high school around 1998, tapos naghiwalay kami. Ako nagpunta ako sa Cebu nag-aral. Lahat kami naghiwalay na kami nung college.Tapos nagregroup kami pagkatapos. Nagsimula kami 1st week ng March.”
Just few in a hundred that a band count on numbers as a band badge, 1017 comes out after some nominal revolutions such as “Fatal Pandisal,” “Sonic Playground,” “Flight 1017” and finally 1017. Beam-beam, the bands bassist and vocals explains further, “nagregroup kami last year March. Naghahanap kami ng pangalan ng banda. Nung panahon na iyon ay State of Emergency. Parang nagrereflect sa amin iyon kasi nasa state of emergency kami. Naka-book na 'yung bar gig pero wala pa kaming pangalan. Parang naghahanap kami ng immediate na pangalan.”
The way through here is long and winding road for them, “hirap talaga. Nagrecord kami ng demo tapos binigay namin sa kaibigan na baka may kakilala. Tapos minsan, sumasama kami sa ibang mga banda. For long years 1998 di ba? Tapos nagregroup kami,” Jamjam said. “After 1999 kasi nag disband kami. Then, ilang years walang communication. After college days, umuwi sila (some members) ng Davao. Nagkakilala kami sa college, at nagkasama sa ibang banda. Nung nagregroup kami, nagjamming, gumawa ng composition. Pero dati pa, merun na kaming mga compositions,” Beam-beam adds.
PICKING BITS FROM THE PIECES AND MORE
Why you call your album “Slot Machine” rather than a self-titled?
Yung Slot Machine, ibang-iba talaga iyon. May English dun eh. Parang kami nun, halo-halo, then after a year, nagkasama-sama ulit kami. Lahat ng kanta namin may mga stories.'Yung Charing, istorya ng kaibigan namin.Hindi sa amin 'yan. (laughs)
What are your thoughts about your first single “Charing?”
Ginawa 'yung Charing, parang ipinakita 'yung normal life. Si Charing storya s'ya ng kaibigan namin. Parang ordinary life events ng ordinary life 'yung mga nangyayari ngayon. No'ng 1st demos namin, mga Tagalog at English. Hindi pinapansin.Tapos parang may nakalimutan kami na may scene pala dun sa min. Kaya, gumawa kami ng Bisaya. Gumawa kami ng hindi lang para sa ibang lugar kundi para sa amin din.
“Attitude! Hindi lang sarili ang iisipin. Sa amin, ang ideas para sa lahat.”“Atomic Bomb” is all about what?
Tungkol s'ya sa utot (laughs). At saka hindi s'ya political. Iyon ang misconception sa banda kasi galing kami sa State of Emergency. Wala s'yang ibang ibig sabihin. Baka pagalitan kami ni ma'am.Yung atomic bomb, utot talaga iyon, sumasabog lang na parang atomic bomb. Any song you made for just a short period? Charing. Mabilis lang sya, mga 2 oras lang.
How does it feel to have generate a new album?
May pressure. Thankful din kasi nabigyan ng chance. Grateful kami na naging part kami ng EMI at nabigyan ng chance yung music namin.
If you were to convince me to buy your album, how would you do so?
Pag bumili kayo ng album, marami kayong matututunan na lessons. Wag kang ma-inlab sa charing. (laughs). Yung ibang mga kanta namin may kalokohan din. May seryoso din naman. Tulad ng Berting. Si Berting ay under sa kanyang darling.
What are your musical influences?
Beatles, Cartel, MHPX, Ramones, Dream Theater. Nanggaling kami sa iba't ibang influences. Punk. Metal. Kaya no'ng nagstart kami, may sort of adjustment sa iba't ibang gustong music. Minsan hardcore. Minsan jazz. Wala naman talaga kaming pinipiling music. Kahit yung mga Baleleng(laughs). O kaya, Matudnila o Bisrock.
What is your opinions about music piracy?
Tutol kami sa piracy. Yung mga namimirata, malaking kasalan yan. Piracy is bad. Huwag kayo bumili ng pirated CD. Dami nawawalan ng trabaho. Kami mawawalan ng trabaho.
What is Bisrock by the way?
Bisayan Rock.'Yun 'yung bagong genres. Bisaya na rockista.
What is the hardest part in playing music?
Time at saka sumulat. Kasi 'pag sumulat ka ng kanta, hindi mo alam kailan matatapos iyan. Ako(Jamjam) 'pag sumusulat, minsan sandali lang. Minsan umaabot ng 2 linggo. Kasi minsan mahilig ako sa lalaki, joke lang(laughs).
How do you see music? Do you see it as business, career or a sort of hanap buhay?
Passion. Yung hanapbuhay. 'Yun yung urge, love namin 'to, gawin namin 'to. (One group member) Sa akin, trip lang (laughs), because love ko ang music.
“Mahirap talaga 'pag nagsisimula. Pag wala kayong trabaho, mahal yung recording. Kailangan n'yo ng pondo, ng time, ng pasensya.”
What do you think is most important, the image of the group or the image of the music?
Music. Music kasi iyon ang naririnig. Hindi naman kami nakikita sa radyo(laughs). Pero may music video nga pala(laughs). Dun din naa-appreciate ang isang banda sa kanilang mga kanta.
How do you rate your LIVE performances as of the present? Say (1-10)
Parang part of life 'yan e. Merung masa na audience, may hindi. Tutugtog ka nang hindi masa. Tipong may igagaling pa talaga. Binibigay naman namin 'yung best namin. Palaging 10. Kulang na lang tatambling kami. Gagawin namin lahat. Kaya namin mag-acrobat(laughs). Depende rin iyon. Kunwari sa Mindanao, sa Visayas, talagang overwhelming. Iba rin halimbawa sa ASAP. Ang narinig nila Bisrock. Iba rin.
Any celebrity crushes?
Nakakahiya naman. Secret lang natin ito ha. Si Maja Salvador, Ella Madrigal, sa akin si Luningning(laughs). Sa akin, crush lang ito ha, si Roxanne. Katrina Halili.
Any embarrassing moment?
(Beam-beam)Zipper! Pinik-up ko yung bass, tapos natapakan ko yung chord tumama sa akin sa jaw, hindi naman masakit, dumugo lang.(laughs). (Other member of the band) hindi kami huminto, sya lang.
Message to some aspiring bands?
Patience. Patience sa banda. Kami, marami na kaming pinagdaanan. Minsan gusto na naming tuluyan 'yung bawat isa. (laughs). Mahirap talaga 'pag nagsisimula. Pag wala kayong trabaho, mahal yung recording. Kailangan niyo ng pondo, ng time, ng pasensya. Wag madaliin. Second, hard work. Pagtiyagaan. Kung merung kulang, dapat ayusin pa. Kailangan ng focus.
What are your opinions about band disbanding as of this moment?
Attitude! Hindi lang sarili ang iisipin. Sa banda namin, ang leader, manager. Sa amin, ang ideas para sa lahat. Attitude problem ang kadalasang problem ng mga nagdidisband.
How would you entertain the thought that same thing might happen to you?
Ayaw sana naming paghandaan iyon. Pag may aalis na isa, sasama na lang yung lahat(laughs). Kunwari, aalis ako, sumama na kayo para hindi na tayo magdisband(laughs).
How do you resolve arguments among your circle?
Oo, nag-aargue kami. Hindi naman maiiwasan iyon. Para maresolve ano lang, hug. (laughs) Dinadaan namin sa tawanan na lang. Kasi halimbawa si Beam-beam, siya 'yung pinakamatanda. Siya 'yung parang kuya sa grupo. Siya 'yung may lakas ng loob. 'Pag may problem, siya 'yung pinakaunang nagsasabi na " pare, wag ganito, tama na yan.
If you were to ask me to attend your show, how would you tell me why I should be there?
Sige, Pumunta kayo sa gig. Pumunta kayo, may libre kayong kuwan...(laughs). Punta kayo, mag-eenjoy kayo. At saka kung hindi kayo pupunta, hindi niyo kami makikita. (laughs) Punta kayo. Iba yung Bisrock.
Finally, at your end. What is your message to your fans?
Kung sino man ang gustong maging part ng 1017, welcome kayo. Thank you sa inyo. Thank you sa support. Sa mga crush namin jan, sana crush niyo rin kami(laughs). Salamat sa mga bumili ng album. Sa mga hindi pa bumibili, salamat dahil bibili kayo sa susunod na araw(laughs).
♫♫♫
No comments:
Post a Comment