This gonna be Yeng's another torch lit so bright which speaks of her musical blithe when it comes to her industry and creativity. This time it's official, it's Yeng's mental prowess and yeasty hands that mold another music brainchild, her third album yet to come when this interview has been done.
Yeng witnessed to herself how she solidly dedicated herself penning the songs, I mean, all the songs on her latest album, all-original. Wow, that's talent par excellence!
In her album, strictly no revivals, no substitutes, no copy-cats. Perhaps, at the album's release, you can see every piece of her in every track, and every drop of her creative juice fueling riffs and drives of her songs.
Yeng never take it to her shoulder that she would be given the leeway spell her own songs into album, she just kept spinning the wool, 'till she was actually weaving it to what it is now. After all for her, it's like waking up from a dream holding the hood of reality that your dreams came true actually. Yeng dreamt and kicked ass with odds and oddities to make her dreams turn to reality.
Yeng attests, “Nu'ng una hindi ko talaga dinibdib o sineryoso na papayagan akong gumawa ng kanta sa album so medyo parang ginawa ko lang 'yung gusto ko sumulat lang ako ng kanta. Nu'ng time na may meeting na sinabi ko lahat ng gusto kong gawin. Walang revivals ako 'yung sumulat lahat - all originals lahat and sobrang happy ako. Dream come true ito sa akin. Ito talaga 'yung gusto kong gawin sumulat ng kanta. Nagawa ko 'yung first and second album pero iba 'yung ngayon e ako 'yung sumulat lahat. Nai-share ko talaga 'yung passion kong sumulat at mai-share 'yung nararamdaman ko sa mga tao 'yun 'yung satisfaction ko as a musician.”
She never forgets to mention few of her departures in creating the album, mentioning “Mark The Spot” of Sandwich wherein the vocal himself was the producer of the album, Raymund Marasigan. “Mahilig talaga akong makinig ng album ng Sandwich 'yung Mark the Spot. 'Yung una nilang album gustung-gusto ko po talaga. Pinapakinggan ko si Julianne. Ang galing n'yang mag-gitara at sumulat ng kanta. May CD pa niya ako sa bahay. Nakikinig ako ng mga Blink 182, New Found Glory, Taking Back Sunday mga gan'un kapag wala akong ginagawa. So parang naa-absorb ko siguro 'yun,” she points out.
More on her...
ON THE RECORD
What is the title of your new album? How many tracks?
Wala pa kakatapos pa lang naming mag-photo shoot kahapon (September 07). Ten tracks and may bonus track na raw recording na puro original songs. Si kuya Raymund Marasigan 'yung nag-produce ng album so sobrang saya ko. Isa pa 'yun sa nagbigay kulay sa kabuuan ng album. Akala ko last na 'yung gumawa kami ng kanta nu'ng Christmas kasi gumawa kami ng kanta under ng management nila 'ah siguro ito na 'yung collaboration namin ni Raymund ang saya saya ko na yehey!' pangarap ko talagang maka-jam siya pero 'di ko akalaing siya ang magpro-produce ng album ko na papayagan ako ng management na siya ang mag-produce kaya tuwang-tuwa talaga ako nu'ng meeting talaga isang bagsakan sinabi ko sa boss ko sa Star Records na kung p'wedeng ako ang sumulat ng lahat ng kanta so nilakasan ko na lang loob ko. Tuwang-tuwa po ako kasi pinayagan nila ako kasi ang tagal kong kinabahan kung papayagan ba ako.
What is your new album is all about?
Para siyang diary. Parang isinusulat ko lang 'yung bawat experiences na nararanasan ko. Lahat ng gusto kong sabihin nasasabi ko through my lyrics. Masaya kasi parang ibang way para i-express ang sarili.
Which song on the album is a representation on how much have you grown as a musician all these years?
Hindi ko naman masasabi na talagang magaling ako or whatever. Hindi ko rin masabi kung talagang nag-improve ako as a songwriter or as a singer pero sa tingin ko kung “Huwag Na” 'yung kanta namin ng mga ka-banda ko ang pinakalove kong kanta sa album. Iba 'yung pakiramdam nu'ng ginawa ko 'yun. 'Yun 'yung gusto kong sabihin lalo na sa kaibigan ko. Kung iiyak ka mauubos din ang luha mo kaya tumahan ka na lang. Para 'yun sa best friend kong babae. Iba 'yung beat, iba 'yung feel. Hindi siya 'yung “Hawak Kamay”, hindi siya 'yung “Salamat”. Sana pakinggan nila. Bili kayo ng album ko. (smiles)
Did you feel any pressure having to produce another hit album, because first two albums were a success?
Before parang iniisip ko 'yun e lalo na bago ko gawin 'yung album sabi ko 'ano kaya ang gagawin ko para maging iba ito sa lahat ng ginawa ko for the past years?' Pero parang hindi kasi marami akong natutunan kay Raymund e. Sinabi niya sa akin na hindi price 'yung magka-hit ka bonus lang 'yun actually 'yung price 'yung ginagawa mo na nagpe-perform ko sa harap ng maraming tao kasi 'yun 'yung passion mo e, 'yun 'yung price nandoon ka na e so 'pag nagkaroon ka ng hit sobrang malaking bonus na 'yun. Nagising ako d'un 'yun nga naman 'yung gusto kong gawin wala na akong mahihiling pa kasi nai-share ko 'yung music ko sa maraming tao. Gusto ko lang talagang maiparinig 'yung mga ginagawa kong kanta.
Did you have a specific idea about what kind of sound you wanted to pursue this time around?
Siguro si Raymund na 'yung nag-iba ng tunog ko kasi iba siya gumawa e. Ako rin e medyo nanibago rin ako e pero kapag iba-iba 'yung producer maiiba rin 'yung sound mo. 'Yung first two albums ko iba 'yung producer kaya iba rin 'yung tunog. Iba 'yung sound ko kasi medyong may kahalong ispirito ni Raymund. Medyo nagkaroon ng flavor. Magaling talaga siya. Isa siya sa mga hinahangaan kong musicians sa bansa natin.
What did you learn from your early experiences making music and were you able to apply these lessons with your new album?
Ang pinakamalaking lesson na natutunan ko ay mahalin lang talaga ang ginagawa ko kasi kapag nalunod ka sa limelight makakalimutan mo na 'yung totoong ikaw e. Dapat thankful ka lagi. Sobrang nakakatuwa lalo na kapag nagpupunta ako sa ibang bansa para mag-perform sa mga kababayan natin sa ibang bansa. Balak ko din makapag-tour sa Asia bukod sa mga Filipino crowds.
Among the songs on the album, which is the most challenging to record? Why?
“Lapit” kasi parang pakiramdam ko 'yun 'yung sinasabi sa akin ni God. Nahirapan akong kantahin siya. Umiyak pa nga ako sa studio kasi parang hindi ko kayang kantahin. Ginawa ko 'yung kanta pero parang pinaparingan niya ako. Kasi minsan parang nararamdaman mong walang nakikinig sa'yo. Na wala ng pag-asa pero 'yung kantang 'yun sinasabi niyang d'yan ka nagkakamali kasi meron talagang nakikinig sa'yo. Nakikinig siya kung gusto mo lang talagang lumapit sa kanya. Medyo nahirapan ako kasi nu'ng nirecord 'yun parang may pinagdadaanan ako. Ang ganda pa ng areglong ginawa nila kuya Raymund. Ang pinaka masayang part na album making sa tingin ko 'yung proseso na from scratch nandoon ako. Demo pa lang kami na ni kuya Rayms 'yung gumagawa. Doon kami sa bahay n'ya nagre-record ng demo. Nu'ng nasa studio na demo pa rin 'tas nilagyan na ng drums as in naririnig ko. May input talaga alam mo 'yung hindi ka naka-kahon kasi hinihingi 'yung ideas ko. Ngayon talaga hands-on ako sa album na ito. I'm much happier now kasi parang sa lahat may input ako.
Are there any songs in particular that you’re really proud of writing?
“Hawak Kamay” kasi lagi kong sinasabi ito kasi ako 'yung gumawa sa “Hawak Kamay” parang siya 'yung gumawa sa akin. Kung wala siguro 'yung song na 'yun hindi siguro ako nakilala. Sinulat ko 'yun nu'ng 14 years old ako. Sa church ko pa unang kinanta 'yung song na 'yun. Parang paglabas ko ng Pinoy Dream Academy nagulat ako bakit kinakanta ng tao 'yung kanta ko. Sobrang nakakagulat. Blessing sa akin 'yung song para makapasok ako ng malalaking hakbang sa music industry. Sobrang proud ako sa song na 'yun kasi anak ko 'yun.
How easy or difficult for you to do this new disc?
Hindi naman kasi ang ginawa ko lang sumulat ng kanta hindi naman nila ako pinilit hindi nga nila ako binigyan ng topic e. Basta sulat lang ako ng sulat ganoon lang. Isa sa favorite songs ko sa album 'yung “Jeepney Love Story” kasi hindi talaga ako nakakasulat before ng sobrang masayang kanta. Tungkol siya sa babaeng na-inlove habang nakasakay siya ng jeepney. Love at first sight. Nakakatawa lang talaga kasi sobrang iba talaga siya sa “Hawak Kamay” at sa “Salamat”
How does this new album reflects your personality?
Makikita talaga nila lahat hindi ko masabi kong ano 'yung specific na personality ko. Lahat maririnig nila dito. Hindi ako naniniwalang may isang karakter lang ang tao. Sa tingin ko lahat ng tao may side na ganito, may bad side pero sa akin may side akong childish, minsan naman sobrang mature so maririnig nilang lahat iyan.
What can your fans look forward to in regards to this new disc?
Sa tingin ko naging ibon ako sa album na ito. Sobra malaya, lipad lang ako ng lipad. Maririnig nila 'yung Yeng na hindi naka-kahon.
AS A SONGWRITER:
What exactly inspired you to write all your new songs on the album?
Lahat ng experiences ko 'yun lang. (laughs)
Do you ever sit down with the intention of writing a song, or do you wait for songs to come to you?
May mga projects ako like theme songs ng Knowledge Channel, uupo talaga ako para isulat siya hindi ko siya aabangan kasi proyekto 'yun pero kung mga kanta may mga times na flowing lang. May mga times na hindi mo na mapigilan 'yung lyrics 'tas hindi mo naman maisulat kasi basta para na lang nagpa-flash parang baril.
As a song writer, is there a particular artist that you want to write a song for his/her album?
Si Sharon Cuneta kasi gusto kong sumulat ng kanta para sa kanya kasi gusto ko 'yung boses n'ya. Gusto ko rin sumulat ng kanta para kina Rachelle, Sarah, sa mga kasama ko sa ASAP. Gusto kong mag-improve. Gusto kong ma-explore 'yung different genres ng music.
How has your band helped you with regards to song writing?
'Yung music naming magkakabanda is more of my music. Pero 'pag magkakasama kasi kami iba 'yung tunog namin e kasi kapag kasama ko sila nandoon ako sa comfort zone ko sapat na 'yun kapag nagpe-perform ako.
It’s been a while since your last album. Why the break?
Hindi ko rin alam kung bakit gan'un pero nu'ng mga panahong 'yun sumusulat lang ako ng mga kanta n'ung mga panahong hindi pa ako naglalabas ng album. Happy ako kasi ayan nandiyan na. (laughs)
What’s the most you’ve spent on one thing if you’re treating yourself?
Traveling siguro. Wala naman akong luho bukod sa gitara ko. Ay'un na ang pinakamahal na nabili ko sa buong buhay ko. Regalo ko 'yun sa sarili ko nu'ng 19th birthday ko.
You’re too busy now, but what do you like to do when you have some spare time?
Maglaro ng video games, manuod ng horror movies, magpunta ng mall at manuod din ng movies, mag-shopping, before nagba-badminton ako pero tumigil ako kasi may asthma ako, mahilig akong magbasa ng mga inspirational books, nagko-collect ako ng mga Anime DVDs, mahilig ako sa Hunter X Hunter, Flame of Recka at Ghost Fighter. Kapag matagal ko ng hindi napanuod inuulit ko ulit. Favorite ko si Kidua ng Hunter X Hunter. Siya 'yung pinaka-gusto ko sa lahat – ang angas at ang pogi n'ya. Marami rin akong collections ng stuffed toys. Bisitahin 'yung pamangkin ko si Baby Tad.
What’s the next important challenge ahead for you?
Na magtagal sa business. Hindi lahat Sharon Cuneta, hindi lahat sir Gary Valenciano, hindi lahat Rivermaya, hindi lahat Parokya Ni Edgar, hindi lahat The Dawn, 'yun ang pinaka-challenge sa akin ay 'yung habang buhay ako tumugtog sa harap ng maraming tao, i-share 'yung music ko, Ito talaga 'yung gusto kong gawin. Hindi ko na-imagine sarili kong nagta-trabaho sa loob ng opisina.
Other things you do outside music.
Gusto kong mag-schooling. Kumuha na ako ng application. Sana pumasa ako sa examination. Iniisip ko pa kung anong course ang gusto ko. Gusto ko kasing maging normal na bata. Gusto kong makipag-socialize sa mga ka-age ko. Gusto kong magkaroon ng mga barkadang babae. Tinatarget kong ikutin ang buong Asia at 'pag birthday ko na gusto kong pumunta ng Egypt kasi d'un naglakad sila Moses papuntang Jerusalem gusto kong makita 'yung lugar kung saan sila nag-cross makarating lang sa promise land na binigay sa kanila ni God.