This issue (of Pinoy Song Magazine) will showcase impending megalithic stars to shine our OPM highways in the near future. Little stars flickering in the chaos of the OPM universe. With more time, right direction and energy combined we know like any other stars in the vastness, their blithe will dramatically mushroom into another promised splendour in our OPM music scene.
With bunch of fairy dust they came all the way from different point of departures – fame and fortune, in a more noble purpose share their time and talent, help their loved ones out of the quagmire of poverty – whatever that is, your OPM Music Authority scooped them up to give them a hand in our own little way. We reach out readers near or far to give them what's new with what's tolling the airwaves on our entertainment panorama.
Myrus, Frencheska, Young Jv, Jovit and Duncan Ramos (on the separate page of this issue) were the five who made the day once upon a time in our waking hours here at Pinoy Songmagazine.
A young blood from DamariƱas Cavite steps his best foot forward friolicking the OPM scene. Myrus Ramirez, not only tries his luck, no, not even a luck; with talents, charisma and persistence overloads – your fate shouldn’t be luck anymore. Count in few individuals behind him with frank and candid souls who will not “spare the rod” just to guide him to where he wants to be.
Myrus is recently under the sceptre of his boss Vic Del Rosario of Viva Entertainment calling him or rather his music thing as “the next big thing the Philippine music.”
Besides, another talent slab is trying to make an orbit in this universe with his hip-hop and R&B musical shares. Young JV declares that rappers are modern-day poets. Rapping for him might connote his footprints on the OPM shores, besides feeling the responsibility of setting good character to youngster below the platform. Young JV is currently under the recording veil of PolyEast Records.
Frencheska Farr, the only rose among thorns in this issue, is tantamount to making things happen as she was the GMA – 7s Are You The Next Big Star grand champion. Nonetheless, she believes there’s more to be done and the going is still tough. A lot of hard work will eventually show her the promising dawn of his career take off.
This guy shouldn’t be the least, though he might be in some aspect of his life, such as financial. Nonetheless, his turning them now into hefty fame and fortune. Who would think that an ordinary street kid, school boy trying to tie his shoes few years ago and a siomai (dumpling) vendor in some shifting time would be able herald his voice with all majesty at the platform of Channel 2’s “Pilipinas Got Talent” – perhaps nobody does! Jovic Baldivino a sixteen-year old school boy (when I first met him) from Batangas, can’t still spell the dose of fortune that he has gobbled along the way. His relatives would perhaps think they’d found a pearl amidst pile of dirt and dirty toes once upon a time. Jovit seems still confined in the world of fantasy mesmerized by the promising beauty it can give.
Jovit is now enjoying the first financial grandeur he shovelled from the first endeavour, besides enjoying his tour all around malls as well as the entire archipelago.
He is under Star Records and Sony Music Philippines which he recently released his self-titled debut album.
ON THE RECORD
Stories after stories might have been told about them; of where the musical spark was started with them. Their childhood seems to witness it all. It is still the time where they’re still scampering streets and playgrounds of their childhood and suddenly they found themselves humming their own tune – paving the way to where they may want to go – and we might as well of help.
“When I was three years old d'un talaga nag-start ang lahat sabi nga ni mom bata pa lang talaga ako kanta na ako ng kanta. 'Yung pagkahilig ko d'un talagang 'di ko inisip na darating siya sa punto na p'wede ko pala siyang maging career. Sa akin lang naman e nage-enjoy lang ako gusto ko ng music, gusto ko lang kumanta pero ito na 'yung nangyayari ngayon. So 'yung pagkahilig ko sa music ginawa ko na siyang passion. Mamatay at mabubuhay ako na music talaga ang gusto ko. Hindi talaga ako mabubuhay kung walang music,” Myrus fills the void.
Frencheska ont the other hand, “it all started when I was 9. I was in school and my teachers found out that I can sing so they asked me if I can join their choir so d'un po nag-start sa choir then unti-unti po nila akong isinali sa mga contest, mga inter-school. So sa school po talaga ako nadiscover. Hindi po alam ng parents ko. Ininform na lang po ng mga teachers ko na isasali nila ako sa singing contest so d'un na po nagsimula hanggang sa nagtuluy-tuloy na.”
“N'ung bata pa ako mahilig talaga ako sa R'nb so n'ung high school, nag-start na akong magsulat ng mga poetry para sa mga girls or whatever so poetry lang kapag wala akong magawa sa classroom. From there na-develop siya tapos 'yun may home studio 'yung kaibigan ko gawa-gawa kami ng mga kanta for fun and after that nakuha ko 'yung support ng mom ko. From there tuluy-tuloy na so d'un na nag-start first song ko nagawa ko n'ung high school,” Young JV asserted.
Jovit faithfully stressed, “n’ung three years old ako pinapakanta na raw ako sa mga inuman, nakaupo ako sa lamesa tapos nilalagyan nila ng pera 'yung bulsa ko pag-uwi ko sa bahay may pera na ako. Tinatanong ako kung saan galing 'yung mga pera ang alam nila n'un nangungupit na ako pero bigay lang 'yun ng mga humahanga sa akin. After n'un kinder, 6 years old pinakakanta kanta na ako kahit 'yung speech ko mali, kahit mali-mali 'yung lyrics at 'yung diction ko. Nadiscover ko na talagang may boses ako after elementary.”
Jovit and Young JV fall to my slot to take few music ideologies and sentiments on their maiden pilgrimage on the mantle of our music arena. The other two Myrus and Frencheska were in good hands with the other staff of Pinoy song magazine.
Young JV took few first strips of my record as an early bird on the studio just want himself to be known as a kid in town who made good music, good examples and a real entertainer as a broad scoop of his passion.
Jovit on the other hand, gives me a good shot of his dream to promote a fading music genre enterprise known as slow rock besides the aspirations of maintaining his character amidst fame and fortune confronting him. Fame is obviously at the soles of his feet. While I’m doing my interview with him, the surrounding vicinity outside the studio gets warmer as fans from typical call center agents, to a security guard, down a mere janitors and janitress swarmed over us persistent of a shot from him.
From a charisma bearer down to the risk-taker Myrus Ramirez, the storyline gets decisive, “di ba una kalbo ako tapos ngayon may buhok na ako, hindi kasi ako natatakot na mag-reinvent ng sarili ko so I think I'm a risk taker so talagang hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakamit 'yung gusto kong makamit.”
Frencheska musters her words to prove in action as a multi-tasking artist in the field, “s'yempre as a total performer not just as a singer but as a performer and I also would like to be known as an actress. Sinisimulan ko na po 'yung acting aside from singing para tri-media na po ako.”
What’s the first thing we should know about you?
MYRUS: S'yempre you should know my name (laughs). S'yempre the first thing that the people should know me is si Myrus hindi lang siya si Myrus na singer. Hindi lang si Myrus na nagrevive ng “Sayang” na hanggang d'un lang kaya rin naman n'yang kumanta ng mas mahihirap pang kanta. At si Myrus hindi lang siya nakakulong sa isang kahon p'wede siyang pumunta kung saan-saan ready to explore at si Myrus 'yung tipong taong open sa mga criticisms.
FRENCHESKA: Most of the time parang 'yung hindi po talaga nakikipag-usap sa akin ah they think na mataray ako at unfriendly pero once na nakausap na nila ako madaldal po akong tao. Mukha kasi akong mataray kapag naka-make up so kapag gan'un gusto kong malaman ng mga tao na hindi ako gan'un madaldal talaga ako.
JOVIT: Dati po mahilig ako sa barkada. Ngayon hindi na ako nakakatambay kasi busy na hectic na 'yung schedule.
Who are some of your musical heroes growing up?
MYRUS: Actually 'yung mom and dad ko. Lahat kami kumakanta sa pamilya. Si ate naging professional singer sa abroad. Sila 'yung mga unang taong naka-impluwensiya sa akin. Talagang lagi-lagi kaming kumakanta ng sabay-sabay. Happy singing family.
FRENCHESKA: Number ko si Ms. Lani Misalucha and Regine Velasquez kasi una si Ms. Lani dahil 'yung boses talaga niya bilib na bilib ako sa kanya pati si Ms. Reg and ngayon si Ms. Rachelle Ann Go and Si Ms. Sarah Geronimo kasi total performer sila. Ako as a singer gusto ko maging total performer ako hindi lang ako singer, sumasayaw din at umaarte ako kagaya ni Sarah Geronimo. Si Sarah kasi parang nasa kanya idol ko talaga siya.
YOUNG JV: Local sila tito Gary V. and Billy Crawford. Internationally, Michael Jackson. Lahat naman tayo dumaan kay MJ.
JOVIT: Dito talaga sa Pilipinas, idol ko talaga si kuya Arnel Pineda kasi gusto ko lahat ng kinakanta niya. Hindi sa ginagaya ko siya, idol ko lang talaga siya. Gusto ko lang marating 'yung narating n'yan. Sa foreign si Jon Bon Jovi kasi binansagan po ako sa Batangas na Bon Jovi eh.
Musically, who has inspired you or influenced you to have a career in music?
MYRUS: Actually wala sa family kasi namin lahat kami kumakanta. Since lahat gan'un hindi naman talaga nila gusto na maging singer ako kasi they wanted me to finish my studies pero 'yun nga sila 'yung talagang naka-inspire sa akin at saka nakaimpluwensiya sa akin kasi lahat kami kumakanta ako lang 'yung nagtuloy.
FRENCHESKA: Actually wala sa family ko 'yung kumakanta talaga pero 'yung father ng mommy ko musician siya bassist po siya ng banda pero lumaki po ako sa bahay na laging may music kapag nagpapatugtog sila ng new wave or rock so hanggang sa lumawak na ng lumawak 'yung alam ko tapos napasali ako sa choir so parang kahit hindi man po kumakanta 'yung mommy at daddy ko mahal po nila ang music and mahal ko rin siya nagkataon lang po na nabigyan ako ng boses so siguro po 'yung family ko talaga ang nag-inspire sa akin na mahalin 'yung music.
JOVIT: Si kuya Arnel Pineda talaga.
How old were you when you started singing? Do you remember the very 1st song you sang?
MYRUS: I started singing when I was three and the first song that I sang was (singing) “Pag-Ibig Ko Sayo'y Totoo Ni Walang Halong Biro” and 'yung “Kung Maibabalik Ko Lang” ni Regine Velasquez kasi three years old pa lang ako nasa isip ko na 'yun habang pinapatulog ako ni mommy kinakantahan niya ako ng song na 'yun.
FRENCHESKA: 9 years old ako n'un “I Can” ng DoReMi 'yun 'yung unang-una kong kinanta tapos sa stage so kabadong-kabado talaga ako siguro mga grade III ako n'un may school program tapos pinakanta nila ako. Pina-aral sa akin 'yung “I Can” simula n'un lagi ko na siyang kinakanta kasi naging favorite ko na siya.
YOUNG JV: “Can't Let You Go” a song number for a club before. Like 500 audience. Medyo kinabahan but now super okay na.
JOVIT: Three years old. Ang mga kinakanta ko n'un Aegis at April Boy songs gan'un. Ang una kong kinanta “Sinta” ng Aegis sa peryahan.
What kind of music are you into right now?
MYRUS: It's more on Pop and Ballad medyo may touch lang ng R'nb konti pero sabi nga nila ang daming R'nb artist ngayon sa paligid so I need to create a concrete music na magde-define sa akin.
FRENCHESKA: Pop, Pop-rock and rock.
YOUNG JV: Still R'nb pero sa second album ko may plano akong makipag-collaborate kay Yeng Constantino, Mash up ng rock and hip-hop.
JOVIT: Rock ballads. Firehouse, si Michael Bolton, Scorpion, Eric Clampton, Elton John, Bon Jovi and Gun's n Roses.
What’s the biggest crowd you’ve performed to?
MYRUS: Actually the biggest crowd was 'yung nag-guest ako sa Then and Now concert with Jojo, Diana King, SWB recently lang 'yun. Sobrang, sobrang thousand thousand talaga sa MOA concert grounds sobrang daming tao na first time ko rin ng acoustic parang talagang nakakakaba. Alam mo 'yung pakiramdam na nasa stage ako nanginginig 'yung kamay ko gan'un. Naisip ko sobrang daming tao noon so kahit papaano natandaan naman ako. Lahat ng kinanta ko sa concert e sobrang hihirap na songs na you can never imagine na a guy can sing this song pala.
FRENCHESKA: Sa theater, before Emir nagthea-theater na rin ako sa Wonders, musical show siya na may mga acrobat pero hindi ako naga-acrobat kumakanta ako d'un kasi for me 'yung crowd marami 'yun sa PAGCOR theater.
YOUNG JV: So far, sa P-Noy Inauguration nag-perform ako d'un at saka sa MYX Mo super daming tao d'un. That was a crazy experience.
JOVIT: 'Yung grand finals po ng Pilipinas Got Talent sa Araneta Coliseum.
Who are some of the OPM artists that you really proud to work with?
MYRUS: You know what to tell you honestly, I have this admiration to Juris. Gustung-gusto ko 'yung boses n'ya. She has the best voices in OPM. Talaga ang ganda ganda talaga ng boses very angelic ng voice and luckily n'ung first concert ko we had the chance to sing together and s'yempre si Songbird, Ms. Regine, nakatrabaho ko na rin siya n'ung concert and I feel so blessed talaga hindi ako nakatulog n'un. Gusto ko rin makasama sila Christian Bautista, Jay-R alam mo 'yung mga idols ko at the same time naging friends ko na rin sila. So sobrang masaya.
FRENCHESKA: S'yempre sila Ms. Regine, sila Kyla looking forward ako na makatrabaho si Sarah Geronimo.
YOUNG JV: Wala pa akong na-work with pero mayroon na ako ngayon si Billy and kinausap na rin ako ni Gary V. hopefully si Charice makagawa kami ng kanta.
JOVIT: S'yempre si ate Sarah Geronimo and Arnel Pineda.
How would you want to describe your sound?
MYRUS: It's a typical OPM. Very traditional 'yung mga kanta pero modern naman 'yung approach so hindi na siya tunog old. I see to it na whenever I sing those songs mga jukebox man 'yan o mga lumang kanta man iyan dapat bibigyan ko siya ng bagong flavor.
FRENCHESKA: Ako po talaga sa pop-rock ako parang si Katy Perry so since dito sa atin walang masyadong gan'un na kind ng music. Gusto ko pong i-push na gan'un kasi para maiba naman kasi karamihan ballad na, acoustic eh although kaya ko naman po pero hindi siya 'yung sobrang forte. Mas okay po ako sa pop-rock na kanta.
YOUNG JV: Hip hop and R&B siya. Easy to the hear, danceable, 'yung mga usually gusto ng mga kabataan.
JOVIT: Gusto ko po talagang ipauso 'yung mga slow rock love songs kasi sa lahat naman po ng singers minsan lang po ako makapakinig at ngayon lang talaga kinakanta 'yung mga slow rock love songs n'ung nagchampion na po ako sa Pilipinas Got Talent karamihan po ng mga kinakanta ng mga singers ballads, love songs. Gusto ko kasing ibalik 'yun ang gaganda po kasi at parang bumabati ka po kapag naririnig mo 'yun.
What are you hoping to accomplish as an artist?
MYRUS: As a new artist medyo mahirap 'yung pinagdadaanan pero tiyaga tiyaga lang gusto ko kasing maging isang established na artist parang alam ko sinasabi ko lagi ito sa sarili ko ito ang motivation ko e dapat ako na 'yung susunod kina Christian Bautista. Tiwala lang din sino ba ang magtitiwala sa sarili mo kung hindi ikaw lang din di ba? Parang sa akin kasi bago magtiwala sa akin 'yung ibang tao kailangang magtiwala muna ako sa sarili ko.
FRENCHESKA: Lahat ng singers and artist gusto na makilala hindi lang sa buong Pilipinas kundi sa buong mundo. Gusto ko rin pong maging part ng history natin na minsan may naging Francheska Farr na ganito 'yung music n'ya na makilala ng tao bilang ganito. At maging inspiration sa ibang singers na mas bata sa akin na i-push nila 'yung mga dreams nila. H'wag i-give up kung halimbawang sali-sali ng mga contest. Maging inspiration ako na gawin lang nila 'yung gusto nila and h'wag itigil kasi walang nakakaalam kung may mga opportunities na magbubukas para sa iyo.
YOUNG JV: Siguro my goal would be making more good music. Plano ko to have a tour probably not just sa Pilipinas, Asia and world wide hopefully. At least ngayon may ASAP regular na ako d'un so hopefully maka-world tour ako. Sa akin naman nothing is impossible kahit saan tayo makarating.
JOVIT: Gusto ko po kahit hindi po ako magkapera ah mahalin lang po ako ng mga tao kahit ano po basta po mahalin nila ako. Lagi ko silang pagbibigyan sa mga gusto nila like 'yung tamang pakikisama sa kanila. Kailangan po kasi 'yung sinasabi nilang charisma. Ewan ko nga po bakit meron ako n'un.
As an artist, do you consider the message of the song or not at all?
MYRUS: I consider the message of the song kasi how can you give the right emotion sa song kung hindi mo naman aaralin 'yung ibig sabihin. Alam mo naiinis talaga ako at disappointed ako sa mga singers na ang lungkot ng kanta bakit ka nakasmile? Hindi ko maramdaman 'yung kanta. S'yempre ang most importante sa pagkanta dapat nand'un iyong heart kasi you're not singing for yourself, you're singing for your audience di ba? So dapat alam mo 'yung kinakanta mo kasi nagre-reflect 'yun sa ginagawa mo.
FRENCHESKA: Yes, I consider number one iyon sa akin. Kapag ako ang kumanta gusto ko alam ko 'yung message ng kanta kumbaga 'yun ang specialty ko 'yung pagdeliver ng message kasi hindi ako sobrang galing na biritera, hindi rin ako 'yung talagang magaling mag-adlib, maglagay ng mga kulot kulot sa songs so 'yung masasabi kong specialty ko talaga from the heart 'yung pagkakakanta ko. Nagagawa ko talaga iyon kapag binasa ko ng husto 'yung lyrics tapos inirerelate ko 'yung sarili ko para mapi-fell ko talaga.
YOUNG JV: As a young artist, some kids look up to me s'yempre kung ano ang lyrics ng kanta ko so usually 'yung mga lyrics ng kanta ko are for them inspired with love life man 'yan. Give them good example. I just have to write meaningful lyrics.
JOVIT: Bago ko po kinanta 'yung “Too Much Love Will Kill You” talagang inisip ko muna po talaga kung ano 'yung ibig sabihin. Kumuha pa po ako ng dictionary para maintindihan ng husto 'yung kanta para mailagay 'yung proper emotions.
Aside from your music, what other music have you gotten into lately?
MYRUS: Naniniwala ka ba pero talagang 'yung P-Pop and K-Pop. Fan ako ng Big Bang, U-Kiss. 'Yung music kasi nila e super original. Ginagaya na nga lang siya di ba? Hindi siya gan'un kahirap pakinggan parang feel good music lang lahat. D'yan ako naprapraning ngayon.
FRENCHESKA: Aside from pop-rock rock medyo close rin sila. Siguro konting classical dahil sa Emir. Konting ballad siguro although nagbaballad talaga ako n'ung bata ako 'dun naman ata nagstart ang lahat e. pero simula n'ung nalaman kong pop-rock ako at 'yun talaga ang forte ng boses ko hindi na ako masyadong kumakanta n'ung ibang genre pero lately dahil sa work na may requirement na ganito 'yung kakantahin mo may ballad napapakanta ako so kailangan kong aralin ulit 'yung mga dati.
JOVIT: Mga acoustic love songs mga “More Than Words”.
If you’re given the chance to collaborate with other OPM artists that we have right now, who would it be?
MYRUS: S'yempre 'yung mga icons: Gary V., Martin Nievera, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, Charice. Alam ko kaya ko namang makipagsabayan sa kanila e. Ako kais iniisip ko na lang lagi na if something is meant to happen, it will happen. No one is going to stop it.
FRENCHESKA: Kahit sino. Actually gusto ko silang lahat. Sarah Geronimo. Sa guys, si Jed Madela at si Mr. Gary Valenciano.
YOUNG JV: I'm very open for collaborations. In my next album, I would like to collaborate with Billy Crawford, Karylle at si Yeng Constantino. I'm open kasi 'yung music ko open naman for everybody.
Do you have a most memorable gig/show or moment you'd like to share with us?
MYRUS: S'yempre 'yung first concert ko. It's my first concert tapos 'yung mga guest ko Regine Velasquez, Juris Fernandez. It's really a memorable experience. 'Yung preparation ko for that parang two days lang. Binigay sa akin lahat ng kanta ahead of time so inaral ko na siya pero 'yung mismong show na s'yempre na-arrange na 'yng mga music medyo nangapa talaga ako tapos two days lang 'yung binigay sa akin para aralin kasi kumanta ako ng 30 songs. Lahat ata ng mahihirap na kanta kinumpile nila pero super memorable and challenging 'yung concert na iyon. For me kasi it's make it or break so awa ng Diyos um-okay naman siya.
FRENCHESKA: 'Yung pinaka 'yung Emir kasi iyon 'yung nagbigay sa akin ng opportunity na mailabas 'yung hidden talents ko na hindi lang pala ako singer actress din so siguro 'yun talaga.
YOUNG JV: Marami eh. For me, 'yung mga campus tours napaka wild ng crowd. Napaka supportive ng mga kabataan.
You're shows are so spontaneous and fun. Do you ever get nervous or forget what you're doing on stage?
MYRUS: Alam mo iyong nerbiyos normal e talagang lagi akong nininerbiyos so feeling ko minsan sumusobra 'yung mga bagay na hindi ko dapat gawin nagagawa ko 'yung tipong nerbiyos in a positive way naman. Kapag nininerbiyos ka di ba dapat nag-stater ka pero ako 'pag nininerbiyos ako ang dami kong spiel. Baliktad ako niyerbyusin. Kapag nininerbiyos ako inom lang ako ng inom ng tubig so kapag nininerbiyos ako alam na ng management iyon. In effect naman n'un okay naman 'yung performance.
FRENCHESKA: Hindi na matatanggal iyon. Kahit kabisado mo 'yung kanta atsaka kahit talagang forte mo iyong song na iyon once na tumapak ka sa stage at nakita mo 'yung crowd kakabahan ka talaga e. Pero dahil all fun naman 'yung show namin ang kailang an mo lang gawin e ienjoy mo 'yung kanta and ideliver mo ng maganda so 'yun na lang ang inisip ko kahit anong message n'ung kanta ine-enjoy ko siya at pinipilit kong h'wag kabahan kasi pumapangit 'yung performance.
YOUNG JV: I pray lang side by side. 'Yung music ko kasi masaya e para nga akong hindi nagtra-trabaho eh lalo na kapag nag-tour kami. Parang bonding na siya ng mga kaibigan ko kasi ka-tropa ko 'yung mga kasama ko. 'Yung nervousness na 'yan normal lang 'yan sa feeling ng mga artists. Lahat naman tayo may kaba kaya sa akin dasal lang.
JOVIT: N'ung hindi pa ako nagpe-perform kinakabahan talaga ako pero n'ung natawag na 'yung pangalan ko tapos interview pero n'un nagpe-perform na konting kaba sa simula tapos n'un nasa kalagitnaan na wala na. Kaba talaga ang nagpapalakas ng loob parang 'kayang-kaya ko ito'.
Is there anything you want to do differently in your career?
MYRUS: Yeah s'yempre I wanna try acting and dancer. Actually I'm a dancer when I was in high school. 'Yung pag-aaral ko gusto ko pa ring matapos.
FRENCHESKA: Gusto ko sakupin lahat singing, dancing, acting, endorsing and modelling. Lahat ng p'wede akong mag-excell gusto kong itry para maexperience ko lahat para pagtanda ko walang pagsisisi para in the end kahit hindi siya gan'un kagandang experience sa akin at least na-try ko.
For Myrus and Young JV, since you have plans in coming out your new album anytime soon, what can we look forward to about it?
MYRUS: I'm recording my bonggang album and it will be released anytime soon this year kasi parang n'ung nire-release ko 'yung “Sayang” nag-hit pero 'yung mga tao iniisip nila hanggang “Sayang” lang 'yung kaya kong kantahin. So ngayon, mangbibigla 'yung album na ito kasi 'yung unexpected songs na never ko din pala naimagine na p'wedeng kantahin ng mga lalaki kakantahin ko ngayon and challenging 'yung mga songs na nanditol. Yeah revivals siya pero may originals din.
YOUNG JV: My next album would be so nice parang two faces siya eh. May appealing sa masa may appealing sa international. Right now, I'm working with August, one of the producers ni Justin Bieber sa States na Pinoy. So two faces 'yung album ko pero isang CD lang catering to the Filipino crowd and international crowd. May Tagalog at English.
JOVIT: Out na po 'yung album ko today. First solo album ko. Enuoy po talaga ako d'un. Five songs po siya. Mayroon pong dalawang original songs d'un.
Who are you now versus when you're just starting out?
MYRUS: Physically, noon kalbo ako, totoy na totoy pa ako. I'm only 17 years old that time alam mo 'yun batang bata pa mahiyain. Kapag may mga pinapakilalang tao sa akin nagtatago pa ako kasi nahihiya talaga ako. Basically, mahiyain talaga ako tapos ngayon kahit papaano confident na ng konti pero 'yung Myrus noon at ngayon same pa rin makulit pa rin naman ako, hindi pa rin maku-completo 'yung linggo ko ng hindi ko nami-meet o nakikita 'yung mom and dad ko . Parang wala naman pinagbago e masayahin pa rin ako and 'yun lang natutunan kong i-enjoy lahat ng ginagawa ko and s'yempre lastly bawal magreklamo.
FRENCHESKA: Dati focused lang ako sa ginagawa ko ngayon mas focused na ako. Mas alam ko 'yung gusto ko and mas nagpupursige ako para mas gumaling ako sa gusto ko 'yung singing and acting. Ngayon kasi alam mo na 'yung value nila e 'yun ang pinaka importante sa akin. Dati kasi medyo malabo pa ang lahat sa akin parang ano kaya? Tutal na experience ko na so alam ko na kung ano ang gusto ko pero kailangan ko silang paghirapan parehas.
YOUNG JV: I try not to think about fame para work ka lang harder and harder each year. H'wag mong paabutin sa ulo mo. Okay na ako dito pero dapat every year since maraming bago dapat every year gumagaling ka. I try to always keep my feet on the ground. Being on time, disiplina mga konting details lang na 'di ko naaalala kasi bata pa ako makulit ganyan. Dapat responsible sa mga bagay when it comes to carreer. I'm working with different artists so dapat seryoso ako.
Any message you want to portray with the kind of music you're doing now?
MYRUS: Message ng mga kanta ko s'yempre gusto kong maka-inspire ng mga tao. Iyon naman talaga ang rason kung bakit ako nandito sa industry hindi lang for the fame and money. Sa akin gusto kong maka-touch ng buhay ng ibang tao with my music. Gusto ko kahit papaano maka-help iyon sa kanila. Naniniwala kasi ako na ang kanta ay isang magandang medication. 'Yun lang kahit papaano makapagpasaya ng tao at maka-inspire sa buhay buhay nila.
JOVIT: 'Yung una po “I'll Be the One” para po sa mga mahilig na manulot or nang-aagaw ng mga babae. “Paano” para naman sa pakikipag-break. Love song po siya. Favorite ko po 'yung “Paano”. Ang ganda po kasi ng ibig sabihin eh. Nag-iisa po siyang Tagalog song, masarap pakinggan at maganda ang ibig sabihin. Five days lang po namin lahat 'yung recording. 'Yung “Paano” po 45 mins lang po namin nirecord.
What are the things you want to learn being in the spotlight now?
MYRUS: Mas maging humble, mas maging mahaba ang pasensiya kasi sa trabahong ito antayan eh. Patience is a virtue so dapat mas matibay 'yung loob mo at 'di ka dapat sumuko. Dapat walang bitiw na mangyayari at 'yung trust sa sarili. Para mag-grow 'yung isang tao dapat may tiwala ka rin sa kapwa mo kasi sila 'yung tutulong sa'yo para maabot mo mga gusto mo. Sa tingin ko naman natutunan ko iyong mga bagay na iyon in short period of time and I believe magagamit ko naman siya sa future. At saka s'yempre dapat i-value mo 'yung friendship kasi sa industriyang ito may mga taong kapag kaharap ka okay sila sa'yo 'pag talikod mo kung anu-anong sinasabi sa'yo ako alam ko kung sino 'yung mga itre-treasure kong tao.
FRENCHESKA: Masyadong marami pagdating sa singing in general na lang ha mas gusto kong matutunan kung papaano ako mas gagaling bilang performer and singer. Siguro sa buhay ko gusto kong matuto kung papaano piliin 'yung first priority ko. In general gusto ko lang na lumawak 'yung alam ko at gusto kong mas maraming matutunan.
YOUNG JV: I'll stick to what I do. Mash up na lang talaga.
JOVIT: Gusto ko pong matutong mag-compose ng sarili kong kanta. Gusto ko po ng mga blowing instruments. Enhance ko po 'yung mga dati ko ng alam tugtugin kagaya ng guitar, bass guitar, drums and keyboards.
For Frencheks a and Jovit: Since you came from reality shows, what did you learn from that experience?
FRENCHESKA: Give your best, never give up and practice.
JOVIT: Alagaan mo at mahalin mo 'yung mga fans mo. Mahalin mo 'yung ginagawa mo.
What’s in store for you this year? Any shows or big time concerts coming up for this year?
MYRUS: May new album ako. Regular show sa TV ngayong taon din iyon. Mayroon akong campus concerts. Lahat ng campus sa Pilipinas iikotin namin kasama ko sina Princess Velasco, Nicole Hyala and Chris Tsuper. May plans rin ng tour outside the country. More racket and blessings this year.
FRENCHESKA: Actually puro plano pa lang hindi pa p'wedeng sabihin. Mayroon kaming ginagawa kaming tour for GMA's 60th anniversary regional siya every week.
YOUNG JV: Every Sunday ASAP XV then may mall shows kami every weekend. Lahat ng schedule ko nasa facebook ko and fan page www.youngjv.com.
JOVIT: Gusto ko pong magpaggawa ng bahay para sa family ko. Paparalin ko po 'yung mga kapatid. Itutuloy ko po ang pag-aaral ko sapamamagitan ng home study. Abangan n'yo po ako sa ASAP XV. May tour din po kami with other finalists po ng Pilipinas Got Talent. Out na po 'yung album ko today.
♫♫♫
No comments:
Post a Comment