Yeng Constantino & Jayson Fernandez
SHARE THEIR PUBLIC PERSONA, TOURING EXPERIENCES AND HOW THEY DEAL WITH FAME!
Two of the finest singing bees in the OPM hive hobnob once again on the pages of your OPM Authority.
O, yes they have fame! They have songs! They have stings! And sure they have wings!
They have been so famous all these years that they have been on the platforms. They have been so inventive, poetic and charismatic since opportunity knocks at their doorsteps. They have the charm that lures thousands of fans all around the archipelago. And sure enough they enjoy their wings – flapping them from the 'pearl of the orient seas' and coast to coast to the other countries.
Lots have been said about Yeng Constantino since we've first met her during her first appearance in our magazine, but it seems fate hates monotony. Yeng's indomitable energy seems getting better and and better as days went by. I say so with sheer authority since I've eyed on her maturity since she fell into my record strips couple of years ago. And guess this young vocal heroine keeps advancing in body, brain, beauty ans spirituality.
She's more stylish and more avant-garde besides being sexy that's not least on the list. Being receptive to whatever lessons that comes along the way is perhaps inherent to everyone. Yeng is getting brainier day in and out of her endeavor together with her paler and smoother complexion. You'll notice the bubbling and glowing aura in her speech and personality – at least that is her ambiance exuded in front of our face and through the looking glass.
Jayson Fernandez as we know it is from Camarines Norte, Bicol Region. He's been heralded as the one to fill the void left by Rico Blanco in the band Rivermaya. Of the 500 who auditioned and the final thirteen – he was the last man standing. The quest is over for the need to fill the vocal lacuna. From then on he stands with humble pride among his older brothers in the band Rivermaya.
Jayson has this grotesque sense of artistry with his colorful tattoo spawning all over his arms and perhaps his body. Thus, a common insignia of a rock artist.
Jayson's deeper sense of spirituality, like Yeng, gets him moving and emblazoning his vocal fire because he knows Somebody is looking at him which he gives thanks everyday through his voice. Perhaps, not known to everybody, Jayson as a rock artist as he is, he is one of the acoustic guitar and vocal of the Victory Church. The two (Yeng and Jayson) are actually member of the same charismatic community, with Yeng (who brought him there), Quest and Sam Milby and few others.
That is why outright determination alone is not enough it needs the blessing from our Divine Master to get to the top of whatever we are going to do. But whatever it is, without Him, you'll feel something is missing around the corner of your life.
Yeng's first thing spelled on my record is her gratitude and faith in the Almighty. So determined and resolute for what she does; for she believes that she completes one slot of a puzzle of humanity under God's creative hands. “Siguro determinado ako kasi alam kung everything happens for a reason. Alam ko na nilagay ako ni God sa p'westong ito. He designed me to make music and write songs so wala ka ring choice, hindi ka rin makakatakas beacuse God's plan is there, kailangan mo lang sumunod.”
Jayson credits his fans and family pushing him a little bit higher every seconds of his life. “Kasi meron akong malaking-malaking tangan. Sa aking family, sa mga fans, at sa mga sumusuporta sa OPM kaya ako determinado.”
Furthermore, faith has something to say when it comes to Jayson's musical metamorphosis. “'Yung walk ko with Jesus iyon 'yung nagbago sa akin in terms of tugtugan malaki na rin 'yung nakain ko dahil din sa mga musicians at mga kasama ko sa banda.” Besides being with band mates older than he was, it was a superb guidebook for him in his pilgrimage towards maturity. “Isipin mo alam na ng mga ka-banda ko kung ano 'yung konteksto ng mic hindi pa ako pinapanganak so n'ung pumasok ako sa Rivermaya nasa school na ako, na nasa bahay ka lang at nasa tropa ka lang.”
Schedules and demands at least don’t fetter them from lying back to their coach when they need to shake-off few fatigues and stress. Yeng gets more home alone or homebound with her best bit and tucker. “ Kapag nasa bahay ako ni ate Acel at kapag nasa bahay ko ako kasi hindi ako nagme-make up at di nagsusuklay. Sa bahay nakamalaking t-shirt lang ako at naka-cotton na shorts ang kumportable lang.”
Jayson, on the other hand gets to manage his stress relief program and his being another guy on the block by schooling himself in a small group or bath himself with Bible thoughts. “Kapag walang gig. I hang out with my small group sa church. Nag-Bible study kami. 'Yung growth ko spiritually name-maintain ko so balance lang din.”
When it comes to success, Yeng is not done yet with herself. She’s not drawing yet the line to her success. Getting into the top means more to Yeng and that more is laid on a silver platter for the people whom she wants to entertain. Being contented and being a happy is her pillars of success if not only that she feels that there’s more on the well to be fetch for.
She asserts, “I don't think successful ako. Hindi pa kasi mayroon pa akong mga pangarap. Hindi na matatapos ang mga pangarap ko. Kapag narating mo na ang isang pangarap gusto mo pa rin gumawa ng iba pa. Masaya lang talaga ako na nagagawa ko iyong gusto ko and alam ko na dahil nagagawa ko yung gusto ko may mga tao akong napapasaya. I think 'yun 'yung success when you're contented and happy sa ginagawa mo at mahal mo 'yung mga taong nakaka-trabaho mo.
Jayson’s surefire to an overwhelming potpourri of emotion leads him to think of the dichotomy of the practical fantasy fame is giving him upstage and the yoke of his predicaments offstage. “ Oo overwhelmed at halu-halong emosyon. Nand'un 'yung travel, s'yempre nand'un din 'yung saya pero hindi rin naman kasi na p'wedeng araw-araw Pasko, minsan nand'un ka sa moment na sobrang sarap at saya pero pagbaba mo ng entablado nand'yan na 'yung lungkot at problema. Sabi nga ni Gary V. 'ang trabaho natin sa likod ng stage tayo nag-aareglo kung paano tayo nage-ensayo 'yun 'yung pinakatrabaho natin at kapag nasa stage na tayo 'yun 'yung celebration natin'. So ako gan'un ko rin i-trato ang trabaho ko.”
ON THE RECORD
Do you get lonely? What are the thoughts and things that make you lonely?
YENG: Of course kapag 'di ko nagagawa 'yung purpose na iniwan sa akin ni God. Kapag alam ko na ginagawa ko 'yung ginagawa ko dahil gusto ko lang at kapag igini-gain ko 'yung glory for myself. At the end the day kapag nag-usap na kami ni God 'dun ako nalulungkot na parang 'ay ano ba 'yung ginawa ko parang klinaim ko 'yung glory na dapat para sa Kanya pero at least may forgiving God at alam kong kahit nagkamali ako p'wede akong mag-start with new greatness and love.
JAYSON: Ako dahil nakatira ako sa Las Piñas mag-isa lang talaga ako sa inuupahan ko sa tulong ng aking kaibigan na si Joshua binigyan n'ya ako ng space sa Las Piñas. Ang family ko nasa Laguna at saka 'yung mommy ko at kapatid ko na 7 months. Lonely ako sa pamilya pero never kong naramdamang mag-isa ako kasi alam kong someone is watching over me that is Jesus Christ.
What do you think of K-Pop music?
YENG: Hindi ako nakikinig ng K-Pop, more on OPM ako. I'm not against K-Pop siguro hindi ko lang talaga taste 'yun pero cute sila. Natutuwa ako sa fashion and style nila. In these point of my life, parang gusto ko ng fashion unlike before na kahit ano na lang so 'yun 'yung na-appreciate ko sa K-Pop. Nakikita ko 'yung creativity ng mga Koreans na mag-mix ng mga bagay-bagay na kaya nilang mag-extreme pagdating sa fashion na cute pa rin at hindi weird.
JAYSON: May respeto ako sa K-Pop. Alam mo nakasabay namin 'yang Boys Over Flowers sa Asian Song Festival sa Korea, ang gwapo talaga nila chong! Isang karangalan din sa ating mga Pilipino na mapasama d'un sa Asia Song Festival. Nakakatuwa 'yung mga supporters ng K-Pop saludo ako kasi ibang klase. Kung paano nila tinanggap 'yung mga K-Pop gan'un din nila kami tinanggap n'un nand'un kami sa Korea. Nakakatuwa kung paano sila sumabay sa beat, kung paano sila mag-enjoy sa performance. Iba't-iba naman ang trip ng mga tao kapag nakikinig sila ng music. Kung gusto nila ng gan'un at d'un sila nakaka-relate at d'un natatanggal 'yung stress nila kapag nakakarinig sila ng K-Pop. Saludo ako sa kanila kasi ang hirap ng trabahong ginagawa nila kumakanta at sumasayaw at the same time. Iba rin ang disiplina ng K-Pop.
What's something that guys/girls do that really pisses you off?
YENG: Nakakainis sa lalaki kapag hindi matapang 'yung lalaki at parang mas babae pa sa iyo. Kasi guys are made to pursue the girls tapos parang sila pa 'yung laidback dapat ikaw 'yung gagawa ng move kung gusto mo 'yung girl go for it hindi 'yung parang ang lamya-lamya mo. Kung gusto mo talaga mag-sacrifice ka, mag-effort ka at mag-spend ng bonggang-bonggang time.
JAYSON: Ang gusto ko sa babae kung ano ka sa bahay gan'un ka rin sa labas h'wag kang gumawa ng sarili mong imahe na hindi naman ikaw pagharap mo sa tao kasi eventually lalabas din 'yan kung sino ka talaga. At ang pinaka-importante sa akin 'yung may takot sa Diyos.
Would you say you're less of a tomboy or vice-versa than you used to be?
YENG: Yes. I think mas naging super feminine ako. Siguro sa way ng pag-iisip. Nag-start 'yan n'un 20 years old na ako na-realize kung sino ako at parang 'o sige ito na 'yung kinalakhan ko marami akong barkadang lalaki.' Pero that doesn't mean na gawin ko 'yung mga ginagawa ng lalaki at pinaniniwalaan nila at i-imbibe ko lahat ng ginagawa nila kasi darating 'yung time na magka-relationship or magka-asawa ako kailangan ko talagang i-submit 'yung sarili ko sa magiging husband ko kaya ngayon pa lang prine-prepare ko na ang sarili ko na maging gan'un. Nag-mature na ako na ito 'yung industriya at nakapag-adjust na ako sa environment ko.
How else have you changed in the past few years?
YENG: Nag-mature ako as a songwriter pero bumalik ako d'un sa core ng ginagawa ko kasi after “Hawak-Kamay” may eight months akong hindi naka-pagsulat because of depression kasi feeling ko hindi na ako makakagawa ng another hit song. So sa eight months na 'yun, nag-iisip ako ng way paano gumawa ng another hit song may formula ba eh walang formula tapos bumalik na lang ako sa core kung paano ko nagawa 'yung “Hawak-Kamay.” Itinapon ko na lang lahat ng thoughts na gumagambala sa akin at susulat na lang ako ng kanta to express myself. Susulat ako ng kanta hindi para mag-perform lang pero 'yung core ng pagkatao ko.
Any particular artist who inspired you to write songs?
YENG: Si Alanis Morissette talaga. Siya talaga 'yung nag-inspire sa akin. Si Raymund Marasigan natutuwa ako sa kanya. Ngayon, sobrang lakas ng influence sa akin ni Acel Van Omen sa lahat ng bagay sa buhay ko. Hindi ako mahilig makipag-collaborate or sumusulat kasama ang ibang tao kasi napre-pressure ako na maglabas ng lyrics unlike kapag kaming dalawa kapag sumusulat kami solid lang one hour tapos na 'yung kanta tapos demo na. Gan'un kami kabilis. Sa kanya lang ako gan'un kakumportable. Gustung-gusto ko talaga siya.
You've been on the road for so long. Think you'll take some time off from music?
YENG: Siguro kung magpapahinga ako sa pagkanta pero hindi sa paggawa ng music like next year I'm planning to create a band na all-girls pero hindi ko nakikita 'yung sarili ko na kumakanta ako d'un nasa likod lang ako. Hindi sa napapagod ako na ako 'yung nasa front all the time pero gusto kong mag-aral ng ibang bagay bukod d'un sa ginagawa ko kasi I think bata pa lang ako ginagawa ko na 'yun. Gusto ko naman mag-try ng something new. Ayaw kong magpahinga sa paggawa ng music parang hindi ko kasi kaya na hindi.
JAYSON: Hindi eh on fire ako eh. Mayroon kaming mga pagkakataon na sobrang on fire kami kahit maraming sumalubong na problema sa banda namin pero ngayon nare-start na namin 'yung engine kinasa na namin 'yung kambio aapakan na lang namin 'yung gas so humanda na ang lahat kapag nasa quinta na kami.
When was the moment you finally felt like you'd really made it as a singer?.
YENG: Hindi ko pa rin nararamdaman hanggang ngayon actually.Siguro kaya 'di ko pa rin nararamdaman kasi hindi pa rin ako tumitigil na mangarap pero masaya ako kung anuman 'yung binibigay sa akin ni God parang sobrang contented lang ako pero 'yung pagiging content ko hindi 'yun nag-stop sa akin na mag-isip ng panibagong bagay na gagawin. Gusto ko talagang mag-produce ng album. Kapag may pangarap ako gusto ko gagawin ko na agad. Sobrang satisfied ako n'ung prinoduce ko 'yung music video ng “Jeepney Love Story” d'un nag-step ako ng malaking malaking step para sabihin na gusto kong akuin 'yung responsibilidad ng career ko at hindi iasa sa ibang tao. Sobrang happy ako kasi nag-number one.
JAYSON: N'ung nanalo ako nagtanim pa lang ako ng buto na dinidiligan ko pa. Siguro paunti-unti nararamdaman ko naman kapag nakikita ko 'yung response ng family ko at mga tao lalo na 'yung mga ka-banda ko d'un ko talaga nararamdaman. Ang nararamdaman ko before and after the show parang mission accomplished. Ang hirap humarap sa creator mo na hindi ka man lang nakapaghandog ng kahit na isang kanta kasi si God ang number one fan mo. Sa lahat ng mga musicians ano ba naman 'yung isang kanta na iaalay mo kay God.
Five Things We Never Knew About Yeng & Jayson:
YENG: 1). Mahilig ako sa color pink. Favorite color ko 'yun. 2). Naruto adik ako. 3). Magaling akong magluto ng Adobo. 4). Mahilig ako sa milk tea. 5). Recently, natuto akong kumain ng hilaw na pagkain kasi nahihilig ako sa Japanese foods.
JAYSON: 1). Simpleng barkada kapag wala sa spotlight. 2). Kahit napapalibutan ako ng masasayang tao talagang meron akong tatlong oras na malungkot ako tapos n'un masaya na ulit ako. 3). Iba ang character ko sa spotlight but behind that I am a worshiper kasi tumutugtog ako sa church. 4). Mahilig akong mag-record kasi meron akong mini-studio sa bahay kapag walang gig either nagvocalize ako, nag-guitar lessons ako. Hindi talaga maku-kumpleto araw ko ng hindi ako nagre-record. 5). Mahilig akong mag-bike kasama mga ibang mga banda.
Does your strong public persona match who you are on the inside?
YENG: Kung ano 'yung nakikita sa akin ng tao sa Music Uplate Live at ASAP XV what you see is what you get 'yun talaga ako. That's me. (smiles) Siguro may slight pretension like kunwari kapag pagod ka hindi mo naman p'wedeng iparamdam iyon sa audience mo kailangang ibreak 'yun. Gusto ko 'yung sinabi ni ate Toni Gonzaga sa MUL kailangan mo pa rin ibukod kung sino ka at iyong ilalabas mo sa camera. Okay 'yun to guard yourself may core ka pa rin na hindi mo ipapakain sa lahat ng tao pero nahihirapan ako kasi napaka-expressive ko nga na tao pero kahit anong sabihin ko there are things pa rin na hindi maiintindihan ng tao about us akala nila lahat kami laging nakangiti kahit minsan sobrang problemado na kami. You have to sacrifice minsan kung mahal mo talaga 'yung audience mo at 'yung ginagawa mo gagawin mo 'yun.
JAYSON: Para akong on and off. Kapag umakyat na ako ng stage iba na ang pakiramdam ko eh well parang kapag nasa stage ako parang I let all the spirits work na lang within me parang may mga dumadaloy na lang sa akin na mga wires. Dalawa na agad ang nasa isip ko to worship God and make the people watching me happy.
So what are you really like when you're with people who are close to you, like your sister/parents/ for instance?
JAYSON: Ako 'yung mapagbigay ng mga regalo sa mga bata. Gusto ko laging maging Santa Claus sa mga bata kaya kapag darating ako excited 'yung mga bata.
What are the most important things in your private life?
YENG: Ang importante sa private life ko ay spiritual life. Kasi alam ko na 'yun ang pinaka-foundation kapag wala iyon lahat guguho. Alam kong hindi ako guguho as a person kasi ang foundation ko sobrang strong. Sabi nga sa Bible You are my rock, my redeemer. Pangalawa, relationship ko sa pamilya ko kahit medyo malayo ako sa kanila ngayon kasi hindi na ako under sa wings ng parents ko nagso-solo na ako ngayon hindi ako nalalayo 'yung loob ko sa kanila naging mas closer pa ako sa kanila ngayon. Tama rin 'yung naging desisyon namin na magkaroon ng space kasi lumalaki na rin ako para makilala 'yung sarili ko. Nagmature na ako.
JAYSON: Sa private life ako nand'un pa rin 'yung music hindi pa rin p'wede na hindi ako makatugtog ng gitara ko. Hindi p'wedeng sa isang araw wala akong makakanta. Musikero pa rin ako kasi nare-release ko 'yung emotions ko through music eh.
Do you get along with guys better than with girls (vice versa)?
YENG: Few lang 'yung girls na sobrang nakaka-close ko. Actually, mas magaling akong makipag-conversation kapag lalaki hindi ako naiilang. Naiilang ako kapag babae. Kapag lalaki kasi walang arte at nakakatawa 'yung mga lalaki.
JAYSON: Wala akong pinipili pero iba ang pakiramdam kapag lalaki ang mga ka-tropa mo. May mga bagay kayong ginagawa na hindi talaga naiintindihan ng mga babae pero kapag may kasama akong babae iba pa rin ang pakiramdam ko. Iba 'yung pakiramdam kapag naku-comfort natin sila kapag may problema sila at kailangan nila ng advice. Para sa akin kapag lalaki 'yung nakaka-usap nila iba 'yung security nila. Ako 'yung kuya parang big brother nila. Gan'un 'yung nakikita kong relationship ko sa mga babae.
Do you think these past few years of intense fame have given you a different perspective?
YENG: I think medyo dati n'ung ordinaryong bata pa lang ako parang ang babaw ng tingin ko sa music. Ito lang 'yung genreng maganda Pop-rock, country saka rock lang pero n'ung napunta ako sa industriyang ito parang naintindihan ko na ang tao may kani-kanyang taste hindi mo sila p'wedeng ikahon. Naging open-minded ako na hindi ko lang dapat ikahon ang sarili ko sa music lang na gusto ko dapat makinig rin ako sa music ng iba.
JAYSON: Iba 'yung nagiging epekto ng fame. 'Yung ibang tao kapag famous na sila lumalaki na 'yung ulo nila gan'un na 'yung iba d'un lumalabas 'yung pagiging rockstar nila.
Obviously you’ve earned a huge salary from all the work you do. How do you deal with having so much of your own money?
YENG: I'm buying anything I want pero kailangan hindi sabay-sabay kasi iyon 'yung merit mo sa sarili mo.
JAYSON: Nakakatuwa. Siguro kung 'yung mga ka-banda ko kasing edad ko lang din tapos 'yung kinikita ko pare-pareho kami. Kapag may kinikita ako marami akong gustong gawin. Natutuwa ako na minsan 'yung mga mas nakakatanda sa akin kinu-kontrol nila ako kasi mas pinagdaanan na nila 'yun. Impulsive buyer ako noon pero ngayon hindi na. Mararanasan muna natin bago tayo matututo.
Do you think it's right for people to pay so much attention to the personal lives of entertainers?
YENG: It's their choice eh hindi mo p'wedeng sabihin na hindi kayo dapat ganito, hindi kayo dapat ganyan eh minahal ka nila. Kapag may mahal kang tao gusto mong malaman ang lahat tungkol sa kanila. Tas kapag may nangyari sa iniidolo mo na-aapektohan ako eh. Depende 'yun sa artist 'yun eh kung hanggang saan 'yung gusto mong ibigay sa madla.
JAYSON: Hangga't masasagot ko 'yung gusto nilang malaman pero h'wag naman masyadong personal na. Alam naman siguro n'ung mga nagtatanong kung hanggang saan lang dapat.
Do you enjoy the traveling aspect of your work? How?
YENG: Sobra. Pangarap kong pumunta ng Egypt at Africa. Sa Dubai ang pinaka-malayo kong narating. Kakaiba 'yung mga buildings. Natutuwa akong makarinig ng iba't ibang lingwahe ng mga tao kahit di ko naiintindihan ang sarap sa pakiramdam na allien ako sa paningin nila.
JAYSON: Ito 'yung natatandaan kong sinabi ni kuya Japs. Nand'un kami n'un sa S1 sa Singapore. “Alam mo Jays kaya kong pumunta dito at kaya kong bilhin kung ano 'yung gusto ko dito pero 'yung di ko mabibili 'yung kasama ko kayo lahat at mage-enjoy tayo sa gig natin dito. Magkakasama na nga tayo tapos magkwe-kwentuhan pa tayo kung ano 'yung mga nangyari dito.” Parang gan'un ang sarap ng pakiramdam kahit saan ka pumunta kasama mo 'yung mga taong alam mo nage-enjoy ka kapag kasama sila.
What can we expect from your new album?
YENG: Binare ko 'yung art ko sa bawat letrang sinulat ko. Honest lahat ng lyrics. Ang aim ko with my album is to inspire people. I hope though my music na ma-inspire ko kayo. Kung bibili kayo n'ung album ko parang na-meet n'yo na rin ako in person.
JAYSON: We're still promoting our current album. Gagawa na kami ng music video n'un “Reminis”. Abangan n'yo lahat. Nag-record na rin kami nila Mark ng acoustic version n'un. Sobrang ganda ng message ng kantang iyon. Para sa akin sa album naming _____ 'yung kantang iyon talaga ang pinaka-kumurot sa puso ko. Nasa songwriting pa rin kami ngayon. Abangan n'yo 'yung mga gagawin naming bagong kanta sa mga nagmamahal sa Rivermaya.
What do most people not know about recording an album?
YENG: Magastos 'yun at mahirap. Parang akala nila mabilis lang kaya bumibili sila ng mga pirata pero madugo ang pinagdadaanan namin bago makapaglabas ng isang album. Madugong proseso ang recording kaya dapat suportahan talaga natin yung mga artist na naghihirap para gawin 'yun.
JAYSON: Kung paano sinulat n'ung artist 'yun 'di naman nila kinopya lang sa libro 'yun eh. Galing talaga sa puro 'yun. Inisip nila at emosyon 'yun eh. After n'un iisipin mo kung papaano mapapaganda 'yung tunog at kung papaano mo maipaparamdam 'yung buong kanta sa mga makikinig. Hindi alam ng iba na madugo na 'yung songwriting tapos pagpasok mo ng studio magbabatuhan pa kayo ng ideas kung anong areglong dapat dito, kung ano ang bagsakan, kung anong bigat ng gitara, kung 'yung distortion ba kailangang mainggay o hindi masyado, 'yung lakas ba ng beat ganito mas buo o maliit ng konti so 'yun pa lang ubos na 'yung buong linggo mo eh. Pag nerecord mo 'yun take ka ng take kailangang malinis. Hindi p'wedeng isang take lang. May mixing pa at mastering. Kapag narecord na 'yun pupunta pa sa bahay papakinggan pa 'yung mga tracks. Nag-iiba kasi 'yung tunog minsan.
Do you prefer to be recording or playing live?
YENG: Pareho. I love being in the studio and I love performing on stage.
JAYSON: Iba ang pakiramdam sa recording at playing live talaga. Kapag live may adrenaline pero 'pag minsan din sa studio may adrenaline pero hindi mo siya mailalabas ng husto kasi limited 'yung space. Ako take ng take tapos nararamdaman ko na 'yung song kapag paulit-ulit.
Do you have conscious influences? Do you ever say like, ‘I’m going to try to write a song that sounds like (particular artist or band) today?
YENG: Nagdadaan naman siguro lahat d'yan. Hindi naman dahil gusto mong mag-standout dahil gusto mo lang talagang magproduce ng ibang tunog.
JAYSON: Alam mo minsan kung ano 'yung sina-soundtrip ko ng mga panahon na iyon Michael Jackson man o Metalica kapag nagsulat na ako 'yun 'yung lumalabas minsan eh pero hindi ko p'wedeng mawalan ng flavor ng Maya. Kung ano ang pinapakinggan ko sa mga panahong nagsusulat ako 'yun 'yung lumalabas.
Why should people seek out Yeng/Jayson?
YENG: It's your choice to like me or not kasi wala naman akong kayang i-offer kundi sarili ko lang kaya kung hindi n'yo ako gusto for who I am hindi ko kayang ipilit na magbago para lang sa inyo pero kung gugustuhin n'yo ako kung ano 'yung nakita n'yo 'yun na ako and my real passion is music. Salamat sa mga gusto 'yung music ko at sa mga taong di gusto ang music ko salamat pa din. Nalulungkot ako para sa inyo kapag may nababasa akong negative pero kaya ko namang itolerate. Dahil sa inyo nabi-build 'yung confidence ko.
JAYSON: Hindi na lang ako sa ibang tao din mas hahanapin ng tao kung ano 'yung pinagdadaanan n'ya bago mo makita 'yung resulta kasi minsan oo makikita natin 'yung resulta ng ginawa ng isang tao pero hindi natin nakikita kung paano n'ya ginawa iyon at kung ano 'yung pinagdaanan n'ya bago n'ya nagawa 'yung bagay na iyon.
What is the story behind your new single’ Jeepney, Love Story’/ Reminis?
YENG: 'Yung totoo hindi ko na maalala pero tuwang-tuwa ako ng lumabas 'yung lyrics na “sabi nila'y walang hiwaga/ kung wala itong nadarama” na-realize ko na 'oo nga kapag na-inlove ka hindi mo alam kung ano 'yung nararamdaman mo. Sobrang mahiwaga talaga. Pero I think n'ung sinusulat ko 'yung kanta, unconsciously, ino-open ko pala 'yung puso ko sa lahat ng tao na kapag na-inlove ako ganito.
JAYSON: Alam mo 'yang “Reminis” isang taon 'yan bago nabuo eh. Nakikita ko pa sa eroplano minsan pinapakita pa ni Mike sa akin ang gaganda ng letra sabi ko okay 'yan ah. 'Yung proseso ng kanta nao-obserbahan ko kahit na may problemang kinakaharap ang banda parang feeling ko may nababago 'dun eh. 'Yung istorya n'yan kasi eh minsan nakikita natin 'yung mga bagay na mas magaganda na meron 'yung ibang tao na hindi na natin nakita kung ano 'yung magandang bagay na meron tayo. Mas hinahanap natin 'yung mga bagay na bakit siya gan'un ako hindi pero hindi mo alam na meron ka rin bagay na maganda na kung anuman na wala rin naman 'yung taong iyon. So h'wag nating isipin at hanapin 'yung mas lamang 'yung ibang tao kesa sa mga bagay na meron ka. Na dapat maging masaya ka kung ano 'yung bagay na ibinigay sa'yo ng Diyos. Dapag pahalagahan mo 'yung mga bagay na meron ka at hwag mong sayangin kasi isang araw magre-reminis ka na lang na sana pala n'ung mga panahong iyon ginawa ko iyon, sana n'ung mga panahong iyon naging mas matatag ako.
Where do you usually write your songs?
YENG: In my room alone. Hindi ko kayang gumawa sa kotse ng kanta. Notebook lang muna after that melody. Sabay ang lyrics and melody. Sabay silang lumalabas hindi ako nag-struggle. Isa lang words and notes. Hindi sila p'wedeng lumabas ng magkahiwalay.
JAYSON: Ako kahit saan kapag may naisip akong letra tuluy-tuloy na tapos lalagyan ko ng melody. Minsan sabay yung melody at lyrics. As an artist depende kung nasa mood ka rin kung ano lang talaga 'yung kumakabog sa puso mo.
(Yeng) What advice do you have for aspiring songwriters?
YENG: Sulat lang ng sulat hanggat may isusulat kasi kahit parang walang nangyayari sa mga sinusulat mo ngayon mas maiging practice pa rin 'yun sa musicality n'yo para maimprove n'yo. H'wag kayong sumulat dahil gusto n'yo lang mang-impress ng tao. Magsulat kayo para mag-express kasi kapag nabahidan na ng malisya 'yung pagsusulat nawawala na 'yung pagsusulat nawawala na 'yung totoong soul and heart.
JAYSON: Ibinalik n'yo 'yung talent n'yo kung sino talaga 'yung taong nagbigay n'yan sa inyo. Ibalik n'yo kay God ano ba 'yung isang kanta na iaalay n'yo sa Kanya. Pagdating ng panahon na haharap ka sa Kanya nakakahiya kung wala ka man lang isang kantang naialay sa kanya eh musikero ka sa mundo. Give back the glory to God. H'wag kayong magpasagasa sa mga taong bumabatikos sa inyo bagkus gawin n'yo yung best n'yo. Mahalin n'yo yung talent n'yo kasi pili lang talaga 'yung mga musicians na successful

No comments:
Post a Comment